Cabuyao News No Comments

6TH CITYHOOD, ipinagdiwang sa Lungsod ng Cabuyao

Ipinagdiwang ng Lungsod ng Cabuyao ang ika-6 na taong pagkakalungsod nito sa pamamagitan ng isang linggong mga aktibidad at programa para sa mga Cabuyeño noong Hulyo 29-Agosto 5.

• FLOAT PARADE
Bilang pagbubukas sa unang araw ng selebrasyon ng 6th Cityhood, isinagawa ang float parade noong Hulyo 29, 2018. Nagsimula ang parade sa Cabuyao City Hall Grounds at lumibot sa buong lungsod ng Cabuyao. Ilan sa mga lumahok sa parada ay ang Deped-Cabuyao, CAPRISA na kumatawan sa mga pribadong paaralan sa lungsod, Pamantasan ng Cabuyao, LGBT Community- Cabuyao, Liga ng mga Barangay-Cabuyao at mga locators na kinabilangan ng Ginebra, Lazada, Jollibee, at RC Cola. Namigay naman ng mga produkto ang Unilever Phils., Procter and Gamble, atbp.

• FOOD PARK, TRADE FAIR AND EXHIBIT, AT GARDEN SHOW
Sabay-sabay na nagbukas ang Cabuyao Food Park, Trade Fair and Exhibit at Garden Show sa Cabuyao City Hall Grounds noong Hulyo 29, 2018. Ito ay sa pamamagitan ng City Cooperative and Livelihood Development Office (CCLDO), DTI-Negosyo Center at sa pakikipagtulungan ng Juan Kabuyaw Movement at Young Entrepreneurs Society of Cabuyao. Ang mga ito ay nagtapos noong Agosto 5, 2018.

• YES TO HEALTH ZUMBA FEST
Umabot sa mahigit isang libong Cabuyeño ang nakiindak at nakilahok sa “Yes to Health Zumba Fest” noong Hulyo 30, 2018 sa Cabuyao City Hall Grounds na may temang, “Let’s have fun and grace for a healthy body” sa pangunguna ng City Health Office I sa pamumuno ni Dra. Elena Diamante. Labing-isang zumba zin o instructor mula Cabuyao ang nanguna sa programa. Nagsilbing sponsor ang Del Monte Philippines at Procter and Gamble na namahagi ng kani-kanilang produkto. Nagkaroon din ng raffle para sa bawat Cabuyeñong nakiisa.

• JUAN KALIKASAN BAMBOO TREE PLANTING
Idinaos ang Juan Kalikasan, Bamboo Tree Planting Activity noong Hulyo 31, 2018 sa Cabuyao Enteprise Park, Brgy. Banay-Banay. Pinangunahan ni City Mayor Mel Gecolea ang pagtatanim kasama ang 450 na kabataan at 50 pang lingcod-bayan. Ito ay naging posible sa pagtutulungan ng City Tourism and Cultural Affairs Council at ng Cabuyao Youth Development Affairs Office.

• KPOP DANCE FEST 2018
Walong grupo ang nagtagisan ng galing sa pagsayaw sa ginanap na “Kpop Dance Fest” noong Hulyo 31, 2018 sa Cabuyao Town Plaza. Ito ay handog ng Cabuyao Youth and Development Affairs Office upang maipakita ng mga kabataang Cabuyeño ang kanilang galing sa pagsayaw sa saliw ng tugtuging Kpop.
Samantala, itinanghal na Champion ang grupong “Wanna Beast”; 1st Runner Up ang Awra Girls; at 2nd Runner Up naman ang Excelsior.

• TALISIK (TALINO AT SALIKSIK) QUIZ BEE
Naglaban sa pautakan ang iba’t ibang mag-aaral ng Cabuyao sa naganap na TALISIK o Talino at Saliksik Quiz Bee noong Agosto 1, 2018 sa Brgy. Sala Covered Court. Ang unang bahagi ay para sa elementarya na dinaluhan ng iba’t ibang paaralan sa Cabuyao tulad ng Malayan Colleges of Laguna, City Global College, at Pamantasan ng Cabuyao. Ang ikalawang bahagi naman ay para sa mga kolehiyo na dinaluhan ng Pamantasan ng Cabuyao, Malayan Colleges of Laguna, at City Global College.

• DEPED NIGHT
Nakiisa ang mga guro at estudyante mula sa iba’t ibang elementarya at sekundaryang paaralan sa Cabuyao noong Agosto 1, 2018 para sa DepEd Night na ginanap sa Cabuyao Town Plaza. Ito ay may temang “One DepEd: Affirming, Celebrating, and Showcasing Talents”. Kasama sa programa ang Chorale Presentation, Folk Dance Presentation, at Zumba Craze.

• ARAW NG MGA SENIOR
Idinaos ang “Araw ng mga Senior” noong Agosto 2, 2018 sa Sala Covered Court. Nagsimula ang programa sa pagtatanghal ng Philippine Baranggay Folk Dance Troupe na nagmula pa sa Maynila. Sinundan ito ng interactive games sa pamumuno ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) Cabuyao na may kaakibat na premyo mula sa Pamahalaang Panlungsod ng Cabuyao.

• TAXPAYER’S NIGHT
Muling pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Cabuyao ang 30 kompanya na nagtala ng pinakamataas na binayarang buwis para sa taong 2017. Ito ay sa isang pormal na hapunan na ginanap sa Sta. Elena Golf and Country Club noong ika-3 ng Agosto 2018. Dumalo ang mga pinuno at kinatawan ng 30 kompanya na kinabibilangan ng mga sumusunod:
1. Procter & Gamble Phils. Inc.
2.Nestle Philippines Inc.
3. Wyeth Philippines Inc.
4. Asia Brewery Inc.
5. Zuellig Pharma Corp.
6. Ampleon Philippines Inc.
7. First Sumiden Circuits Inc.
8. Nexperia Philippines Inc.
9. James Hardie Philippines Inc.
10. Concepcion Durables Inc.
11. Nutri-Asia Inc.
12. Advanced Molding Co. Inc.
13. Excelitas Technologies Phils. Inc.
14. Actimed, Inc.
15. Concepcion Carrier Air-Conditioning
16. Automated Technology Phils. Inc.
17. Ionics EMS Inc.
18. Canlubang Golf & Country Club
19. Ginebra San Miguel Inc.
20. Dominium Realty
21. Roberts Automotive & Industrial Parts
22. Pfizer Inc.
23. RFM Corp.
24. Interphil Laboratories
25. Integrated Geosolutions Inc.
26. Manly Plastic, Inc.
27. Interbev Philippines Inc.
28. Multiplex RNC Phils., Inc.
29. Nippon Paints Phils. Inc.
30. Tanduay Distillers, Inc.

Pinasalamatan at pinarangalan ni City Mayor, Atty. Rommel A. Gecolea ang mga kompanya dahil sa kanilang malaking kontribusyon sa patuloy na pag-unlad ng Lungsod ng Cabuyao.

• THANKSGIVING MASS
Bilang pasasalamat sa ika-6 na selebrasyon sa ating pagiging lungsod. Nagkaroon ng Thanksgiving Mass sa St. Polycarp Church noong Agosto 4, 2018. Dumalo sa naturang misa ng pasasalamat ang butihing Ama ng Lungsod, Kgg. Rommel A. Gecolea kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Cabuyao.

 

• BATINGAW FESTIVAL SAYAW NG MGA ILAW
Bilang pagtatapos sa selebrasyon ng 6th Cityhood, ginanap ang kauna-unahang “Sayaw ng mga Ilaw” noong Agosto 4, 2018 sa Cabuyao Town Plaza. Ito ay dinaluhan ng iba’t ibang barangay sa Cabuyao upang magpakita ng kakaibang sayaw gamit ang magagarang kasuotan at makukulay na ilaw.

Cabuyao News No Comments

Yes to Service Program sa Brgy. San Isidro

Yes to Service Program sa Brgy. San Isidro

Isinagawa ang Yes to Service Program para sa mga taga-barangay San Isidro  sa San Isidro Elementary School noong Huny0 29, 2018. Ito ay dinaluhan ng humigit kumulang 300 na Cabuyeño. Dumalo din sa programa ang Ama ng Lungsod, Kgg. Mnggl. Rommel A. Gecolea upang magbigay ng makabuluhang mensahe, kasama pa sina Kgg. Atty. Leif Opiña, Kgg. Amelito Alimagno, Kgg. Imelda Entredicho, Kgg. Emerson Devoma at G. Michael Aranzanso.

Ang Yes to Service Program ay isang programang sinimulan ni Kgg. Mnggl. Rommel A. Gecolea na naglalayong maibaba ang lahat ng serbisyong pampubliko sa bawat barangay at mailapit ito sa mga Cabuyeño. Sa kasalukuyan, limang barangay na ang nabibigyan ng programang ito, at patuloy pang magbababa sa lahat ng barangay sa Cabuyao.

Cabuyao News No Comments

Libreng sapatos, ipinamigay sa Grade 1 at Kinder sa Cabuyao

Naisagawa ang pamamahagi ng mga sapatos para sa Kinder at Grade 1 ng mga Mababang Paaralan sa Lungsod ng Cabuyao sa ilalim ng programang Yes To Education na may temang, “Sagot Ko Sapatos Mo, Pag-aaral Pagbutihin Mo” sa Southville 1 Elementary School, Hunyo 27. 2018.

Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlungsod ng Cabuyao sa pangunguna ni Mayor Rommel A. Gecolea at ng City Schools Division sa pangunguna ni Gng. Doris DJ Estalilla, matagumpay na naisakatuparan ang pamimigay ng mga sapatos sa mga mag-aaral ng Kinder at Grade 1. Mahigit kumulang 190 sapatos na ang naunang naipamigay.

Ang proyektong ito ay sinimulan dahil sa survey na isinagawa sa mga magulang at mag-aaral hinggil sa kung ano ang isang bagay na nais matanggap upang magpursigi ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Sa 4, 728 na respondente, 1, 384 na mag-aaral ang sumagot na sapatos ang kanilang nais matanggap, ang dahilan naman ng mga magulang ay dahil wala silang pambili ng sapatos para sa kanilang mga anak.

“Ang pinakamahalaga sa magulang ay ang makapag-aral nang mahusay ang kanilang mga anak, may gamit sa eskwela. Kaya tayo ay magbibigay ng sapatos, ito ay isang pamamaraan para sipaging mag-aral ang mga bata”, ani ni Mayor Mel sa kaniyang pananalita. Ito ay dahil sa pagpapahalaga ni Mayor Mel sa edukasyon para sa kabataang Cabuyeño.

Dumalo rin sa nasabing palatuntunan sina Kgg. Imelda Entredicho, G. Michael Aranzanso, PnC President, Dr. Isabel F. Inlayo, PnC officials, mga magulang, mga punong-guro at tagapatnubay ng mga mag-aaral.

Cabuyao News No Comments

10, 000 Cabuyeño natulungan ng Mayor’s Day

Tinatalang mahigit-kumulang 10, 000 Cabuyeño na ang natulungan ng mga serbisyong nakapaloob sa Mayor’s Day. Ang programang ito ay sinumulan noong Setyembre 2017 sa pangunguna ni Mayor Rommel A. Gecolea na naglalayong matulungan ang mga Cabuyeño sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng notaryo at legal advice sa mga Cabuyeño.

Noong Hunyo 20, dinaluhan ng 100 Cabuyeño ang Mayor’s Day na ginanap sa 3rd Floor Cabuyao Retail Plaza.

Ang programa ay ginaganap linggo—linggo tuwing araw ng martes, ganap na ika-9 ng umaga hanggang ika-4 ng hapon sa 3rd Floor Cabuyao Retail Plaza. Magdala lamang ng dalawang valid IDs: PhilHealth ID, UMID ID, SSS ID, Pag-IBIG ID, Voter’s ID, Brgy. Clearance, Voter’s Certification, Police Clearance at NBI.

Cabuyao News No Comments

Mangingisda at magsasaka ng Cabuyao pinagkalooban ng mga kagamitan

Sa pangunguna ni Mayor Rommel “Mel” A. Gecolea at ng City Agriculture Office sa pamumuno ni Gng. Luzviminda Ednalino naisagawa ang programang pamimigay ng mga kagamitan para sa mga magsasaka at mangingisda ng Cabuyao na may temang, “Kabuhayang Hatid Para sa Patuloy na Pag-unlad ng MAGsasaka at MAnGingisda” na ginanap sa Cabuyao Retail Plaza, Hunyo 25, 2018.

Sa ilalim ng programang ito, nakapagbigay ng isang yunit ng Rotavator, 250 bags ng Urea at 275 Hybrid Seeds para sa mga magsasaka at 300 sets naman ng kagamitan sa pangingisda.

Kasama sa mga dumalo sina City Councilors Hon. Atty. Leif Opiña, Hon. Amelito Alimagno, G. Michael O. Aranzanso, City Fisheries and Aquatic Resources Management (CFARM) Chairman Rolando Tenorio, at City Agriculture and Fishery Council (CAFC) Chairman Epifanio Raymundo.

 “Sa lahat ng maunlad na bansa, mas maraming nagtatrabaho mas maraming kakain. At mas maraming kakain dapat mas mahusay kang magproduce. Kailangan mas marami kang ani, mas marami kang huling isda”, ani ni Mayor Mel.  Ang programang ito ay naisakatuparan dahil sa malaking pagpapahalaga ni Mayor Mel sa mga mangingisda at magsasaka ng Cabuyao kaya’t patuloy ang pagsusumikap ng Pamahalaang Panlungsod na masuportahan ang kanilang mga pangangailangan.

Cabuyao News No Comments

Ika-120 taong anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas, ipinagdiwang sa Cabuyao

“Ngayong June 12, ang dapat pumasok sa ating isipan ay ang pagmamahal at pagkakaisa na ginawa ng lahat ng Pilipinong nagmamahal sa bayan.” – Mayor Mel

Bilang pagdiriwang sa ika-120 taong anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas, nagsagawa ang Lungsod ng Cabuyao ng isang programa sa pangunguna ng City Schools Division sa Cabuyao Central School, Hunyo 12.

Dinaluhan ito ng butihing Ama ng Lungsod, Kgg. Atty. Rommel “Mel” A. Gecolea kasama sina Division Superintendent, Gng. Doris DJ Estalilla, Dr. Elvira Catangay, Dr. Edna Hemedez, Dr. Charlie Aloquin, Boyscout of the Philippines (BSP), Girl Scout of the Philippines (GSP), Veterans Federation of the Philippines Sons and Daughters, mga guro at mga mag-aaral.

Nagtanghal ang mga piling mag-aaral ng Pulo National High School (PNHS) ng isang maikling pagsasadula tungkol sa kalayaan ng Pilipinas at naghandog naman ng isang awit ang Koro Cabuyeño.

Layunin ng programang ito ay bigyang halaga ang mga Pilipinong naging bahagi ng pagkamit ng kalayaan ng bansa.