Cabuyao News No Comments

6TH CITYHOOD, ipinagdiwang sa Lungsod ng Cabuyao

Ipinagdiwang ng Lungsod ng Cabuyao ang ika-6 na taong pagkakalungsod nito sa pamamagitan ng isang linggong mga aktibidad at programa para sa mga Cabuyeño noong Hulyo 29-Agosto 5.

• FLOAT PARADE
Bilang pagbubukas sa unang araw ng selebrasyon ng 6th Cityhood, isinagawa ang float parade noong Hulyo 29, 2018. Nagsimula ang parade sa Cabuyao City Hall Grounds at lumibot sa buong lungsod ng Cabuyao. Ilan sa mga lumahok sa parada ay ang Deped-Cabuyao, CAPRISA na kumatawan sa mga pribadong paaralan sa lungsod, Pamantasan ng Cabuyao, LGBT Community- Cabuyao, Liga ng mga Barangay-Cabuyao at mga locators na kinabilangan ng Ginebra, Lazada, Jollibee, at RC Cola. Namigay naman ng mga produkto ang Unilever Phils., Procter and Gamble, atbp.

• FOOD PARK, TRADE FAIR AND EXHIBIT, AT GARDEN SHOW
Sabay-sabay na nagbukas ang Cabuyao Food Park, Trade Fair and Exhibit at Garden Show sa Cabuyao City Hall Grounds noong Hulyo 29, 2018. Ito ay sa pamamagitan ng City Cooperative and Livelihood Development Office (CCLDO), DTI-Negosyo Center at sa pakikipagtulungan ng Juan Kabuyaw Movement at Young Entrepreneurs Society of Cabuyao. Ang mga ito ay nagtapos noong Agosto 5, 2018.

• YES TO HEALTH ZUMBA FEST
Umabot sa mahigit isang libong Cabuyeño ang nakiindak at nakilahok sa “Yes to Health Zumba Fest” noong Hulyo 30, 2018 sa Cabuyao City Hall Grounds na may temang, “Let’s have fun and grace for a healthy body” sa pangunguna ng City Health Office I sa pamumuno ni Dra. Elena Diamante. Labing-isang zumba zin o instructor mula Cabuyao ang nanguna sa programa. Nagsilbing sponsor ang Del Monte Philippines at Procter and Gamble na namahagi ng kani-kanilang produkto. Nagkaroon din ng raffle para sa bawat Cabuyeñong nakiisa.

• JUAN KALIKASAN BAMBOO TREE PLANTING
Idinaos ang Juan Kalikasan, Bamboo Tree Planting Activity noong Hulyo 31, 2018 sa Cabuyao Enteprise Park, Brgy. Banay-Banay. Pinangunahan ni City Mayor Mel Gecolea ang pagtatanim kasama ang 450 na kabataan at 50 pang lingcod-bayan. Ito ay naging posible sa pagtutulungan ng City Tourism and Cultural Affairs Council at ng Cabuyao Youth Development Affairs Office.

• KPOP DANCE FEST 2018
Walong grupo ang nagtagisan ng galing sa pagsayaw sa ginanap na “Kpop Dance Fest” noong Hulyo 31, 2018 sa Cabuyao Town Plaza. Ito ay handog ng Cabuyao Youth and Development Affairs Office upang maipakita ng mga kabataang Cabuyeño ang kanilang galing sa pagsayaw sa saliw ng tugtuging Kpop.
Samantala, itinanghal na Champion ang grupong “Wanna Beast”; 1st Runner Up ang Awra Girls; at 2nd Runner Up naman ang Excelsior.

• TALISIK (TALINO AT SALIKSIK) QUIZ BEE
Naglaban sa pautakan ang iba’t ibang mag-aaral ng Cabuyao sa naganap na TALISIK o Talino at Saliksik Quiz Bee noong Agosto 1, 2018 sa Brgy. Sala Covered Court. Ang unang bahagi ay para sa elementarya na dinaluhan ng iba’t ibang paaralan sa Cabuyao tulad ng Malayan Colleges of Laguna, City Global College, at Pamantasan ng Cabuyao. Ang ikalawang bahagi naman ay para sa mga kolehiyo na dinaluhan ng Pamantasan ng Cabuyao, Malayan Colleges of Laguna, at City Global College.

• DEPED NIGHT
Nakiisa ang mga guro at estudyante mula sa iba’t ibang elementarya at sekundaryang paaralan sa Cabuyao noong Agosto 1, 2018 para sa DepEd Night na ginanap sa Cabuyao Town Plaza. Ito ay may temang “One DepEd: Affirming, Celebrating, and Showcasing Talents”. Kasama sa programa ang Chorale Presentation, Folk Dance Presentation, at Zumba Craze.

• ARAW NG MGA SENIOR
Idinaos ang “Araw ng mga Senior” noong Agosto 2, 2018 sa Sala Covered Court. Nagsimula ang programa sa pagtatanghal ng Philippine Baranggay Folk Dance Troupe na nagmula pa sa Maynila. Sinundan ito ng interactive games sa pamumuno ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) Cabuyao na may kaakibat na premyo mula sa Pamahalaang Panlungsod ng Cabuyao.

• TAXPAYER’S NIGHT
Muling pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Cabuyao ang 30 kompanya na nagtala ng pinakamataas na binayarang buwis para sa taong 2017. Ito ay sa isang pormal na hapunan na ginanap sa Sta. Elena Golf and Country Club noong ika-3 ng Agosto 2018. Dumalo ang mga pinuno at kinatawan ng 30 kompanya na kinabibilangan ng mga sumusunod:
1. Procter & Gamble Phils. Inc.
2.Nestle Philippines Inc.
3. Wyeth Philippines Inc.
4. Asia Brewery Inc.
5. Zuellig Pharma Corp.
6. Ampleon Philippines Inc.
7. First Sumiden Circuits Inc.
8. Nexperia Philippines Inc.
9. James Hardie Philippines Inc.
10. Concepcion Durables Inc.
11. Nutri-Asia Inc.
12. Advanced Molding Co. Inc.
13. Excelitas Technologies Phils. Inc.
14. Actimed, Inc.
15. Concepcion Carrier Air-Conditioning
16. Automated Technology Phils. Inc.
17. Ionics EMS Inc.
18. Canlubang Golf & Country Club
19. Ginebra San Miguel Inc.
20. Dominium Realty
21. Roberts Automotive & Industrial Parts
22. Pfizer Inc.
23. RFM Corp.
24. Interphil Laboratories
25. Integrated Geosolutions Inc.
26. Manly Plastic, Inc.
27. Interbev Philippines Inc.
28. Multiplex RNC Phils., Inc.
29. Nippon Paints Phils. Inc.
30. Tanduay Distillers, Inc.

Pinasalamatan at pinarangalan ni City Mayor, Atty. Rommel A. Gecolea ang mga kompanya dahil sa kanilang malaking kontribusyon sa patuloy na pag-unlad ng Lungsod ng Cabuyao.

• THANKSGIVING MASS
Bilang pasasalamat sa ika-6 na selebrasyon sa ating pagiging lungsod. Nagkaroon ng Thanksgiving Mass sa St. Polycarp Church noong Agosto 4, 2018. Dumalo sa naturang misa ng pasasalamat ang butihing Ama ng Lungsod, Kgg. Rommel A. Gecolea kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Cabuyao.

 

• BATINGAW FESTIVAL SAYAW NG MGA ILAW
Bilang pagtatapos sa selebrasyon ng 6th Cityhood, ginanap ang kauna-unahang “Sayaw ng mga Ilaw” noong Agosto 4, 2018 sa Cabuyao Town Plaza. Ito ay dinaluhan ng iba’t ibang barangay sa Cabuyao upang magpakita ng kakaibang sayaw gamit ang magagarang kasuotan at makukulay na ilaw.

Cabuyao News No Comments

Yes to Service Program sa Brgy. San Isidro

Yes to Service Program sa Brgy. San Isidro

Isinagawa ang Yes to Service Program para sa mga taga-barangay San Isidro  sa San Isidro Elementary School noong Huny0 29, 2018. Ito ay dinaluhan ng humigit kumulang 300 na Cabuyeño. Dumalo din sa programa ang Ama ng Lungsod, Kgg. Mnggl. Rommel A. Gecolea upang magbigay ng makabuluhang mensahe, kasama pa sina Kgg. Atty. Leif Opiña, Kgg. Amelito Alimagno, Kgg. Imelda Entredicho, Kgg. Emerson Devoma at G. Michael Aranzanso.

Ang Yes to Service Program ay isang programang sinimulan ni Kgg. Mnggl. Rommel A. Gecolea na naglalayong maibaba ang lahat ng serbisyong pampubliko sa bawat barangay at mailapit ito sa mga Cabuyeño. Sa kasalukuyan, limang barangay na ang nabibigyan ng programang ito, at patuloy pang magbababa sa lahat ng barangay sa Cabuyao.

Cabuyao News No Comments

Libreng sapatos, ipinamigay sa Grade 1 at Kinder sa Cabuyao

Naisagawa ang pamamahagi ng mga sapatos para sa Kinder at Grade 1 ng mga Mababang Paaralan sa Lungsod ng Cabuyao sa ilalim ng programang Yes To Education na may temang, “Sagot Ko Sapatos Mo, Pag-aaral Pagbutihin Mo” sa Southville 1 Elementary School, Hunyo 27. 2018.

Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlungsod ng Cabuyao sa pangunguna ni Mayor Rommel A. Gecolea at ng City Schools Division sa pangunguna ni Gng. Doris DJ Estalilla, matagumpay na naisakatuparan ang pamimigay ng mga sapatos sa mga mag-aaral ng Kinder at Grade 1. Mahigit kumulang 190 sapatos na ang naunang naipamigay.

Ang proyektong ito ay sinimulan dahil sa survey na isinagawa sa mga magulang at mag-aaral hinggil sa kung ano ang isang bagay na nais matanggap upang magpursigi ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Sa 4, 728 na respondente, 1, 384 na mag-aaral ang sumagot na sapatos ang kanilang nais matanggap, ang dahilan naman ng mga magulang ay dahil wala silang pambili ng sapatos para sa kanilang mga anak.

“Ang pinakamahalaga sa magulang ay ang makapag-aral nang mahusay ang kanilang mga anak, may gamit sa eskwela. Kaya tayo ay magbibigay ng sapatos, ito ay isang pamamaraan para sipaging mag-aral ang mga bata”, ani ni Mayor Mel sa kaniyang pananalita. Ito ay dahil sa pagpapahalaga ni Mayor Mel sa edukasyon para sa kabataang Cabuyeño.

Dumalo rin sa nasabing palatuntunan sina Kgg. Imelda Entredicho, G. Michael Aranzanso, PnC President, Dr. Isabel F. Inlayo, PnC officials, mga magulang, mga punong-guro at tagapatnubay ng mga mag-aaral.

Cabuyao News No Comments

10, 000 Cabuyeño natulungan ng Mayor’s Day

Tinatalang mahigit-kumulang 10, 000 Cabuyeño na ang natulungan ng mga serbisyong nakapaloob sa Mayor’s Day. Ang programang ito ay sinumulan noong Setyembre 2017 sa pangunguna ni Mayor Rommel A. Gecolea na naglalayong matulungan ang mga Cabuyeño sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng notaryo at legal advice sa mga Cabuyeño.

Noong Hunyo 20, dinaluhan ng 100 Cabuyeño ang Mayor’s Day na ginanap sa 3rd Floor Cabuyao Retail Plaza.

Ang programa ay ginaganap linggo—linggo tuwing araw ng martes, ganap na ika-9 ng umaga hanggang ika-4 ng hapon sa 3rd Floor Cabuyao Retail Plaza. Magdala lamang ng dalawang valid IDs: PhilHealth ID, UMID ID, SSS ID, Pag-IBIG ID, Voter’s ID, Brgy. Clearance, Voter’s Certification, Police Clearance at NBI.

Cabuyao News No Comments

Mangingisda at magsasaka ng Cabuyao pinagkalooban ng mga kagamitan

Sa pangunguna ni Mayor Rommel “Mel” A. Gecolea at ng City Agriculture Office sa pamumuno ni Gng. Luzviminda Ednalino naisagawa ang programang pamimigay ng mga kagamitan para sa mga magsasaka at mangingisda ng Cabuyao na may temang, “Kabuhayang Hatid Para sa Patuloy na Pag-unlad ng MAGsasaka at MAnGingisda” na ginanap sa Cabuyao Retail Plaza, Hunyo 25, 2018.

Sa ilalim ng programang ito, nakapagbigay ng isang yunit ng Rotavator, 250 bags ng Urea at 275 Hybrid Seeds para sa mga magsasaka at 300 sets naman ng kagamitan sa pangingisda.

Kasama sa mga dumalo sina City Councilors Hon. Atty. Leif Opiña, Hon. Amelito Alimagno, G. Michael O. Aranzanso, City Fisheries and Aquatic Resources Management (CFARM) Chairman Rolando Tenorio, at City Agriculture and Fishery Council (CAFC) Chairman Epifanio Raymundo.

 “Sa lahat ng maunlad na bansa, mas maraming nagtatrabaho mas maraming kakain. At mas maraming kakain dapat mas mahusay kang magproduce. Kailangan mas marami kang ani, mas marami kang huling isda”, ani ni Mayor Mel.  Ang programang ito ay naisakatuparan dahil sa malaking pagpapahalaga ni Mayor Mel sa mga mangingisda at magsasaka ng Cabuyao kaya’t patuloy ang pagsusumikap ng Pamahalaang Panlungsod na masuportahan ang kanilang mga pangangailangan.

Cabuyao News 4 Comments

Kauna-unahang Overseas Job Fair sa Cabuyao, naisakatuparan

Dahil sa pagtutulungan ng buong Pamahalaang Panlungsod ng Cabuyao sa pangunguna ng City Public Employment Service Office naisagawa ang kauna-unahang Overseas Job Fair sa Cabuyao na naganap sa 3rd floor Retail Plaza, Hunyo 23, 2018.

Ang programa ay dinaluhan ng 465 rehistradong mga aplikante at nilahukan ng 17 ahensya. Nilayon nito na magbigay ng oportunidad sa mga Cabuyeño na makapagtrabaho sa mga bansa kabilang ang New Zealand, Qatar, Riyadh & Dammam KSA, Abu Dhabi, UAE, Taiwan, Kuwait, Malaysia, Brunei at Bahrain.

Patuloy ang pagsisikap ng City PESO at ni Mayor Rommel A. Gecolea na makapagbigay ng oportunidad sa mga Cabuyeño na makapagtrabaho sa loob at labas ng bansa.

admin No Comments

Dokyu Making Workshop (Yes to ART)

Naganap ang “DOKYU MAKING WORKSHOP” ngayong araw ng Biyernes, ika- 31 ng Marso ng taong kasalukuyan na programa ng Tanggapan ng Punong Lungsod sa pangunguna ng ating masipag at butihing City Mayor, Atty. Rommel A. Gecolea. Ito ay libre at bukas para sa lahat ng Cabuyeño na nais matutong magsulat at gumawa ng isang documentary film. Marami sa mga kawani ng lokal na pamahalaan ang nakiisa sa naturang programa. Sina G. Sigfreid Barros Sanchez-Director, Romeo “Rom” Factolerin-Director at G. Raul R. Morit-Coordinator ang mga nagsilbing resource speakers sa nasabing kaganapan. Ito ay magpapatuloy hanggang bukas, ika-1 ng Abril sa Cabuyao City Hall Audio Visual Room sa ganap na ika-1:00 ng hapon para sa paksang “Picture and Video Editing”.

admin No Comments

Bulwagang Pulungan ng Syudad ng Cabuyao

Marso 21, 2017, Bulwagang Pulungan ng Syudad ng Cabuyao – Isang pagpupulong ang naganap sa pagitan ng ating pinagpipitagan at butihing City Mayor Atty. Rommel A. Gecolea, mga Punong Barangay na sina Kgg. Eugenio Rosal ng Brgy. Butong, Kgg. Eric Baron ng Bgy. Banay-Banay, Kgg. Nestor Domingo ng Bgy. Pittland, Kgg. Francisco Alimagno ng Bgy. Sala, Kgg. Orlando P. De Sagun ng Bgy. Casile, Kgg. Alfredo Malabanan ng Bgy. Diezmo, Kgg. Mario Servo ng Bgy. Bigaa, Kgg. Dennis Felipe Hain ng Bgy. Niugan, Kgg. Ramon Refrea ng Bgy. Poblacion Tres, ang consultant na si Ms. Patricia Capwell, Int’l Dir. IFL at mga delegado ng Department of Science and Technology (DOST) Food and Nutrition Research Institute na sina Ms. Diane Ulan ng DOST-Region IV-A, Ms. Celina Ann Javier, Ms. Czarina Teresita S. Martinez at Mr. Melvin P. Jusi kaugnay sa “Advocacy on Malnutrition Reduction Program” na isang istratehiya nakalaan sa layunin nitong mabawasan ang problema sa malnutrisyon sa mga batang edad 6-35 buwang gulang. (c) Javerlyn Gangawan

admin No Comments

Energizing Partnerships between LGU Cabuyao and Meralco

“Kung ang itatayo natin ay mahusay na pagkatao kahit ano man ang dumating, tayo ay magiging matatag, tayo ay babangon. Ang paglagda ng kasunduan na ito, ang pag-susupply ng kuryente, ito ay mas mahusay na relasyon at ito na yata ang pinakamataas na governance. Let it shine from Meralco, let it shine from City of Cabuyao because all of us are transforming”
-City Mayor Atty. Rommel A. Gecolea

Ngayong araw ng Miyerkules ika-22 ng Marso 2017 sa pangunguna ng ating butihing City Mayor Atty. Rommel A. Gecolea kasama sina Vice Mayor Jose Benson Aguillo, Kgg. Imelda Entredicho at Kgg. Severiano Hain naganap ang MEMORANDUM OF UNDERSTANDING (MOU) sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng syudad ng Cabuyao at ng Meralco sa pangunguna ni G. Ferdinand O. Geluz, Vice-President and Head- Home & Micro-South Business Area, G. Bernard H. Castro, Vice President and Head-South Division Services, G. Menrado D. Raras, Manager- Calamba Business Center at Jose Dulin Jr., Senior Manager and Head – Sta Rosa Sector at iba pang mga distinguished heads ng mga business centers. Ang paglagdang ito ay isang kasunduan sa pagbibigay ng supply ng kuryente sa ating lungsod upang sa gayon ay higit na mapaganda at mapaliwanag ang ating komunidad. Ito rin ay isang kaaya-ayang simula tungo sa magandang samahan ng pribadong sektor ng lokal na gobyerno sa layunin nitong mabigyan ng maayos na serbisyo ang bawat mamamayang Cabuyeño.

Nagsimula ang naturang piging sa isang maikling panalangin na pinangunahan ni City Budget Officer G. Eduardo Baron na sinundan ng pagbibigay ng mensahe ni VP and Head for Home & Micro- South Business Center G. Ferdinand O. Geluz. Ilan sandali pa ang nakalipas , ang ating Ama ng Lungsod, Atty. Rommel A. Gecolea ang nagbigay ng makabuluhang mensahe at kanyang ibinalita na sa kauna-unahang pagkakataon nagkaroon ng botika sa loob ng cityhall, ito ang Botika ng Cabuyao o BOTICAB, ang pagiging ganap na Deped Division ng ating syudad at paglahok ng mga atletang kabataan sa 2017 Regional Athletic Meet at ang pagtatala ng pinakamababang tuition fee sa buong Region IV-A na P50.00 per unit sa Pamantasan ng Cabuyao.

Dumalo rin sa programa ang mga Punong Barangay na sina Kgg. Armando Amoranto at konsehal Abet Caparas ng Brgy. Pulo, Kgg. Ariel Bariring ng Brgy. Mamatid at mga konsehal ng Brgy. Casile. Mga pinuno ng lokal na gobyerno ng Syudad ng Cabuyao na sina City Accountant Elenita Trinos, City Engineer Evelyn Hatulan, CPDC Head Gng. Deanna Ortiz, Budget Officer G. Eduardo Baron, Gng. Merlinda Villaluna-City Assessor, Dra. Elena Diamante-CHOI, Peso Manager & CCLDO Head G. Christian Benedict Bueno, City Agriculturist Gng. Luzviminda Ednalino, Architect Ronnie Tecson, Civil Security Officer Javier Maligsay, Environmental Police Head G. Erwin Buot, mga kinatawan ng Ospital ng Cabuyao at ng Human Resource Management Office (HRMO), Executive Assistant V G. Isidro Gecolea, G. Carlos Bella at mga consultant na sina G. Ruben Refrea at G. Sonny Tolentino.

(c) Javerlyn Gangawan

admin No Comments

CDRRMO

Nitong nakaraang Marso 17, 2017 pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction Management Office sa pamumuno ni G. Rodolfo Derez Jr. ang isang pagsasadula tungkol sa isang vehicular accident na parte ng pagsasanay sa mga bumubuo sa rescue team o rescue 911 ng CDRRMO. Namangha ang mga nakasaksi sa tila makatotohanang pagganap at mabilis na pagresponde ng mga miyembro ng naturang grupo. Mahalaga ito upang sa gayon ay maging handa sa mas epektibong aksyon sa mga aksidente sa pagtulong sa mga nangangailangan.