Cabuyao News No Comments

Cabuyao City Hospital, pinakamalaking itinatayong local government hospital sa Laguna

Sinimulan ang pagpapatayo ng Cabuyao City Hospital sa Cabuyao Enterprise City  sa Brgy. Banay-banay, ang pinakamalaking itinatayong local government hospital sa buong Laguna na may lawak na 10,090.31 sq.m. noong Oktubre 2017.

Tinatayang ang Cabuyao City Hospital ang may pinakamalaking pondong pinaglaanan ng isang Local Government Unit (LGU). Alinsunod sa City Resolution No. 162-2017,  ito ay pinaglaanan ng Pamahalaang Panlungsod ng Cabuyao ng P400 milyon para sa Phase 1 sa kontrata na itinakdang tatapusin sa Disyembre 2018.

Binubuo ito ng tatlong palapag na may 150 bed capacity at may level 2 classification na magkakaroon ng Intensive Care Unit (ICU), departmentalized clinic services, at tertiary laboratory services o higit na mas mataas na serbisyo sa Ospital ng Cabuyao (OnC) na nag-ooperate bilang 1st level hospital.

Ang nasabing ospital ay bahagi ng programang pangkalusugan ni Mayor Rommel A. Gecolea upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga Cabuyeño sa kalusugan at hindi na magtungo pa sa mga regional hospital o private hospital upang magpagamot.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *