Cabuyao News No Comments

Ipinagdiwang ng Lungsod ng Cabuyao ang ika-6 na taong pagkakalungsod nito sa pamamagitan ng isang linggong mga aktibidad at programa para sa mga Cabuyeño noong Hulyo 29-Agosto 5.

• FLOAT PARADE
Bilang pagbubukas sa unang araw ng selebrasyon ng 6th Cityhood, isinagawa ang float parade noong Hulyo 29, 2018. Nagsimula ang parade sa Cabuyao City Hall Grounds at lumibot sa buong lungsod ng Cabuyao. Ilan sa mga lumahok sa parada ay ang Deped-Cabuyao, CAPRISA na kumatawan sa mga pribadong paaralan sa lungsod, Pamantasan ng Cabuyao, LGBT Community- Cabuyao, Liga ng mga Barangay-Cabuyao at mga locators na kinabilangan ng Ginebra, Lazada, Jollibee, at RC Cola. Namigay naman ng mga produkto ang Unilever Phils., Procter and Gamble, atbp.

• FOOD PARK, TRADE FAIR AND EXHIBIT, AT GARDEN SHOW
Sabay-sabay na nagbukas ang Cabuyao Food Park, Trade Fair and Exhibit at Garden Show sa Cabuyao City Hall Grounds noong Hulyo 29, 2018. Ito ay sa pamamagitan ng City Cooperative and Livelihood Development Office (CCLDO), DTI-Negosyo Center at sa pakikipagtulungan ng Juan Kabuyaw Movement at Young Entrepreneurs Society of Cabuyao. Ang mga ito ay nagtapos noong Agosto 5, 2018.

• YES TO HEALTH ZUMBA FEST
Umabot sa mahigit isang libong Cabuyeño ang nakiindak at nakilahok sa “Yes to Health Zumba Fest” noong Hulyo 30, 2018 sa Cabuyao City Hall Grounds na may temang, “Let’s have fun and grace for a healthy body” sa pangunguna ng City Health Office I sa pamumuno ni Dra. Elena Diamante. Labing-isang zumba zin o instructor mula Cabuyao ang nanguna sa programa. Nagsilbing sponsor ang Del Monte Philippines at Procter and Gamble na namahagi ng kani-kanilang produkto. Nagkaroon din ng raffle para sa bawat Cabuyeñong nakiisa.

• JUAN KALIKASAN BAMBOO TREE PLANTING
Idinaos ang Juan Kalikasan, Bamboo Tree Planting Activity noong Hulyo 31, 2018 sa Cabuyao Enteprise Park, Brgy. Banay-Banay. Pinangunahan ni City Mayor Mel Gecolea ang pagtatanim kasama ang 450 na kabataan at 50 pang lingcod-bayan. Ito ay naging posible sa pagtutulungan ng City Tourism and Cultural Affairs Council at ng Cabuyao Youth Development Affairs Office.

• KPOP DANCE FEST 2018
Walong grupo ang nagtagisan ng galing sa pagsayaw sa ginanap na “Kpop Dance Fest” noong Hulyo 31, 2018 sa Cabuyao Town Plaza. Ito ay handog ng Cabuyao Youth and Development Affairs Office upang maipakita ng mga kabataang Cabuyeño ang kanilang galing sa pagsayaw sa saliw ng tugtuging Kpop.
Samantala, itinanghal na Champion ang grupong “Wanna Beast”; 1st Runner Up ang Awra Girls; at 2nd Runner Up naman ang Excelsior.

• TALISIK (TALINO AT SALIKSIK) QUIZ BEE
Naglaban sa pautakan ang iba’t ibang mag-aaral ng Cabuyao sa naganap na TALISIK o Talino at Saliksik Quiz Bee noong Agosto 1, 2018 sa Brgy. Sala Covered Court. Ang unang bahagi ay para sa elementarya na dinaluhan ng iba’t ibang paaralan sa Cabuyao tulad ng Malayan Colleges of Laguna, City Global College, at Pamantasan ng Cabuyao. Ang ikalawang bahagi naman ay para sa mga kolehiyo na dinaluhan ng Pamantasan ng Cabuyao, Malayan Colleges of Laguna, at City Global College.

• DEPED NIGHT
Nakiisa ang mga guro at estudyante mula sa iba’t ibang elementarya at sekundaryang paaralan sa Cabuyao noong Agosto 1, 2018 para sa DepEd Night na ginanap sa Cabuyao Town Plaza. Ito ay may temang “One DepEd: Affirming, Celebrating, and Showcasing Talents”. Kasama sa programa ang Chorale Presentation, Folk Dance Presentation, at Zumba Craze.

• ARAW NG MGA SENIOR
Idinaos ang “Araw ng mga Senior” noong Agosto 2, 2018 sa Sala Covered Court. Nagsimula ang programa sa pagtatanghal ng Philippine Baranggay Folk Dance Troupe na nagmula pa sa Maynila. Sinundan ito ng interactive games sa pamumuno ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) Cabuyao na may kaakibat na premyo mula sa Pamahalaang Panlungsod ng Cabuyao.

• TAXPAYER’S NIGHT
Muling pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Cabuyao ang 30 kompanya na nagtala ng pinakamataas na binayarang buwis para sa taong 2017. Ito ay sa isang pormal na hapunan na ginanap sa Sta. Elena Golf and Country Club noong ika-3 ng Agosto 2018. Dumalo ang mga pinuno at kinatawan ng 30 kompanya na kinabibilangan ng mga sumusunod:
1. Procter & Gamble Phils. Inc.
2.Nestle Philippines Inc.
3. Wyeth Philippines Inc.
4. Asia Brewery Inc.
5. Zuellig Pharma Corp.
6. Ampleon Philippines Inc.
7. First Sumiden Circuits Inc.
8. Nexperia Philippines Inc.
9. James Hardie Philippines Inc.
10. Concepcion Durables Inc.
11. Nutri-Asia Inc.
12. Advanced Molding Co. Inc.
13. Excelitas Technologies Phils. Inc.
14. Actimed, Inc.
15. Concepcion Carrier Air-Conditioning
16. Automated Technology Phils. Inc.
17. Ionics EMS Inc.
18. Canlubang Golf & Country Club
19. Ginebra San Miguel Inc.
20. Dominium Realty
21. Roberts Automotive & Industrial Parts
22. Pfizer Inc.
23. RFM Corp.
24. Interphil Laboratories
25. Integrated Geosolutions Inc.
26. Manly Plastic, Inc.
27. Interbev Philippines Inc.
28. Multiplex RNC Phils., Inc.
29. Nippon Paints Phils. Inc.
30. Tanduay Distillers, Inc.

Pinasalamatan at pinarangalan ni City Mayor, Atty. Rommel A. Gecolea ang mga kompanya dahil sa kanilang malaking kontribusyon sa patuloy na pag-unlad ng Lungsod ng Cabuyao.

• THANKSGIVING MASS
Bilang pasasalamat sa ika-6 na selebrasyon sa ating pagiging lungsod. Nagkaroon ng Thanksgiving Mass sa St. Polycarp Church noong Agosto 4, 2018. Dumalo sa naturang misa ng pasasalamat ang butihing Ama ng Lungsod, Kgg. Rommel A. Gecolea kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Cabuyao.

 

• BATINGAW FESTIVAL SAYAW NG MGA ILAW
Bilang pagtatapos sa selebrasyon ng 6th Cityhood, ginanap ang kauna-unahang “Sayaw ng mga Ilaw” noong Agosto 4, 2018 sa Cabuyao Town Plaza. Ito ay dinaluhan ng iba’t ibang barangay sa Cabuyao upang magpakita ng kakaibang sayaw gamit ang magagarang kasuotan at makukulay na ilaw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *