Cabuyao News No Comments

Kabataang Cabuyeño nakiisa sa Yes to SPES 2018

“Ang SPES na ito ay hindi lamang tulong sa edukasyon ng mga bata, ito ay pagbubukas din ng kaniyang kaisipan na napakahalaga na makialam tayo sa bayan sa pamamagitan ng paglilingkuran.”- Mayor Mel

Matapos ang isang buwang pakikiisa ng 600 na kabataang Cabuyeño sa mga gawaing pangkomunidad sa pamamagitan ng Special Program For the Employment of Students (SPES) mula Mayo 7 hanggang Hunyo 7 sa pangunguna ng City Public Employment Service Office (PESO), natanggap na nila ang animnapung bahagi ng kanilang sahod sa ginanap na SPES Salary Distribution noong Hunyo 7, 2018.

Ang SPES ay programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Bureau of Local Employment katuwang ang Pamahalaang Panlungsod na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na makapagtrabaho sa panahon ng kanilang bakasyon at makatulong sa kanilang pampinanysang pangangailangan para sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng pakikilahok nila sa mga gawaing pangkomunidad.

Bagong tampok sa YES to SPES 2018 ang booklet na ginagamit ng mga benepisyaryo para sa kanilang daily time record at sa mga programa at aktibidad na maaari nilang daluhan. Dagdag pa rito, ngayong taon ay naglunsad ng trainings and seminars ang City PESO para sa Values Formation, Personality Development, Leadership, Community Service and Entrepreneurial Mindset na kanilang dinaluhan noong Hunyo 7, 11, 18, 31 at Hulyo 1. Nagkaroon ng kinatawan ang bawat sector at binigyan din ng priority slots ang mga anak ng solo parents, distressed OFWs, displaced workers at Diferrently Abled Person (DAP). Patuloy rin ang pagdami ng mga benepisyaryo ng programa, mula 500 noong 2017 ay 600 na ngayong 2018.

Noong Hunyo 9, bilang culminating activity at pagtatapos, nagkaroon ng boodle fight at SportSPES ang mga benepisyaryo na kinapalooban ng mga isports tulad ng volleyball at basketball at mga palarong pinoy gaya ng tiyakad race, sack race, patintero, tag of war, agawang buko at tamaang tao. Ang mga pangkalahatang nagwagi ay ang mga sumusunod na cluster:

  • Cluster 3B ( Brgy. Baclaran, Brgy. Mamatid at Brgy. Gulod) – Champion
  • Cluster 2 (Brgy. Pulo, Brgy. San Isidro at Brgy. Banlic) – 1st Placer
  • Cluster 1 (Brgy. Banay-Banay, Brgy. Niugan, Brgy. Sala, Brgy. Uno, Brgy. Dos at Brgy. Tres) atCluster 3A (Brgy. Bigaa, Brgy. Butong at Brgy. Marinig) -2nd Placer

  

Kasabay ng salary distribution ang pagbibigay ng mga parangal para sa mga natatanging benepisyaryo ng SPES. Sila ang mga sumusunod:

  • Mark Wilson Lawas mula sa Cluster 1
  • Mezchelle Brin mula sa Cluster 2
  • Shayne Gayon mula sa Cluster 3A
  • Criezel Anne Mananquil mula sa Cluster 3B

Tinanghal naman si Mark Anthony Gelig ng Cluster 3B bilang Most Outstanding SPES Officer.

“Kaya po kami sa Public Employment Service Office, ang nais natin ay maipagpatuloy pa ang mga programang katulad nito at sa suporta at tulong ng ating butihing mayor ay patuloy nating mabibigyan ng oportunidad ang bawat isang Kabataang Cabuyeño.” ani ni Christian Benedict Bueno, City PESO Manager. /C/

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *