Cabuyao News No Comments

Naisagawa ang pamamahagi ng mga sapatos para sa Kinder at Grade 1 ng mga Mababang Paaralan sa Lungsod ng Cabuyao sa ilalim ng programang Yes To Education na may temang, “Sagot Ko Sapatos Mo, Pag-aaral Pagbutihin Mo” sa Southville 1 Elementary School, Hunyo 27. 2018.

Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlungsod ng Cabuyao sa pangunguna ni Mayor Rommel A. Gecolea at ng City Schools Division sa pangunguna ni Gng. Doris DJ Estalilla, matagumpay na naisakatuparan ang pamimigay ng mga sapatos sa mga mag-aaral ng Kinder at Grade 1. Mahigit kumulang 190 sapatos na ang naunang naipamigay.

Ang proyektong ito ay sinimulan dahil sa survey na isinagawa sa mga magulang at mag-aaral hinggil sa kung ano ang isang bagay na nais matanggap upang magpursigi ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Sa 4, 728 na respondente, 1, 384 na mag-aaral ang sumagot na sapatos ang kanilang nais matanggap, ang dahilan naman ng mga magulang ay dahil wala silang pambili ng sapatos para sa kanilang mga anak.

“Ang pinakamahalaga sa magulang ay ang makapag-aral nang mahusay ang kanilang mga anak, may gamit sa eskwela. Kaya tayo ay magbibigay ng sapatos, ito ay isang pamamaraan para sipaging mag-aral ang mga bata”, ani ni Mayor Mel sa kaniyang pananalita. Ito ay dahil sa pagpapahalaga ni Mayor Mel sa edukasyon para sa kabataang Cabuyeño.

Dumalo rin sa nasabing palatuntunan sina Kgg. Imelda Entredicho, G. Michael Aranzanso, PnC President, Dr. Isabel F. Inlayo, PnC officials, mga magulang, mga punong-guro at tagapatnubay ng mga mag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *