Cabuyao News No Comments

Sa pangunguna ni Mayor Rommel “Mel” A. Gecolea at ng City Agriculture Office sa pamumuno ni Gng. Luzviminda Ednalino naisagawa ang programang pamimigay ng mga kagamitan para sa mga magsasaka at mangingisda ng Cabuyao na may temang, “Kabuhayang Hatid Para sa Patuloy na Pag-unlad ng MAGsasaka at MAnGingisda” na ginanap sa Cabuyao Retail Plaza, Hunyo 25, 2018.

Sa ilalim ng programang ito, nakapagbigay ng isang yunit ng Rotavator, 250 bags ng Urea at 275 Hybrid Seeds para sa mga magsasaka at 300 sets naman ng kagamitan sa pangingisda.

Kasama sa mga dumalo sina City Councilors Hon. Atty. Leif Opiña, Hon. Amelito Alimagno, G. Michael O. Aranzanso, City Fisheries and Aquatic Resources Management (CFARM) Chairman Rolando Tenorio, at City Agriculture and Fishery Council (CAFC) Chairman Epifanio Raymundo.

 “Sa lahat ng maunlad na bansa, mas maraming nagtatrabaho mas maraming kakain. At mas maraming kakain dapat mas mahusay kang magproduce. Kailangan mas marami kang ani, mas marami kang huling isda”, ani ni Mayor Mel.  Ang programang ito ay naisakatuparan dahil sa malaking pagpapahalaga ni Mayor Mel sa mga mangingisda at magsasaka ng Cabuyao kaya’t patuloy ang pagsusumikap ng Pamahalaang Panlungsod na masuportahan ang kanilang mga pangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *