Cabuyao News No Comments

389 Cabuyeños, nagtapos sa ilalim ng TESDA

 

Sa pangunguna ng City Cooperative and Livelihood Development Office (CCLDO) kasama ang Pamahalaang Panlungsod ng Cabuyao, nagtapos ang 389 mga Cabuyeño sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pakikipagtulungan ng Jacobo Z. Gonzales Memorial School of Arts and Trades at San Antonio Skills Development Center. Inc., na ginanap sa Cabuyao Central School, Hunyo 13.

 

Ang programang ito ay kinapalooban ng walong training: Body Scrub, Facial Treatment, Facial Make-up, Hilot Wellness, Body Massage sa ilalim ng Jacobo Z. Gonzales Memorial School of Arts and Trades at Manicure & Pedicure, Handspa at Footspa sa ilalim naman ng San Antonio Skills Development Center. Inc.

Nakatanggap ng beauty and wellness kit ang mga nagsipagtapos mula sa pamahalaang panlungsod at allowance mula sa TESDA.

Ito ay programa ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Rommel A. Gecolea upang mabigyan ng pagkakataong makapaghanapbuhay at makapagtrabaho ang mga Cabuyeño.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *