Cabuyao News No Comments

“Ngayong June 12, ang dapat pumasok sa ating isipan ay ang pagmamahal at pagkakaisa na ginawa ng lahat ng Pilipinong nagmamahal sa bayan.” – Mayor Mel

Bilang pagdiriwang sa ika-120 taong anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas, nagsagawa ang Lungsod ng Cabuyao ng isang programa sa pangunguna ng City Schools Division sa Cabuyao Central School, Hunyo 12.

Dinaluhan ito ng butihing Ama ng Lungsod, Kgg. Atty. Rommel “Mel” A. Gecolea kasama sina Division Superintendent, Gng. Doris DJ Estalilla, Dr. Elvira Catangay, Dr. Edna Hemedez, Dr. Charlie Aloquin, Boyscout of the Philippines (BSP), Girl Scout of the Philippines (GSP), Veterans Federation of the Philippines Sons and Daughters, mga guro at mga mag-aaral.

Nagtanghal ang mga piling mag-aaral ng Pulo National High School (PNHS) ng isang maikling pagsasadula tungkol sa kalayaan ng Pilipinas at naghandog naman ng isang awit ang Koro Cabuyeño.

Layunin ng programang ito ay bigyang halaga ang mga Pilipinong naging bahagi ng pagkamit ng kalayaan ng bansa.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *