admin No Comments

“Kung ang itatayo natin ay mahusay na pagkatao kahit ano man ang dumating, tayo ay magiging matatag, tayo ay babangon. Ang paglagda ng kasunduan na ito, ang pag-susupply ng kuryente, ito ay mas mahusay na relasyon at ito na yata ang pinakamataas na governance. Let it shine from Meralco, let it shine from City of Cabuyao because all of us are transforming”
-City Mayor Atty. Rommel A. Gecolea

Ngayong araw ng Miyerkules ika-22 ng Marso 2017 sa pangunguna ng ating butihing City Mayor Atty. Rommel A. Gecolea kasama sina Vice Mayor Jose Benson Aguillo, Kgg. Imelda Entredicho at Kgg. Severiano Hain naganap ang MEMORANDUM OF UNDERSTANDING (MOU) sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng syudad ng Cabuyao at ng Meralco sa pangunguna ni G. Ferdinand O. Geluz, Vice-President and Head- Home & Micro-South Business Area, G. Bernard H. Castro, Vice President and Head-South Division Services, G. Menrado D. Raras, Manager- Calamba Business Center at Jose Dulin Jr., Senior Manager and Head – Sta Rosa Sector at iba pang mga distinguished heads ng mga business centers. Ang paglagdang ito ay isang kasunduan sa pagbibigay ng supply ng kuryente sa ating lungsod upang sa gayon ay higit na mapaganda at mapaliwanag ang ating komunidad. Ito rin ay isang kaaya-ayang simula tungo sa magandang samahan ng pribadong sektor ng lokal na gobyerno sa layunin nitong mabigyan ng maayos na serbisyo ang bawat mamamayang Cabuyeño.

Nagsimula ang naturang piging sa isang maikling panalangin na pinangunahan ni City Budget Officer G. Eduardo Baron na sinundan ng pagbibigay ng mensahe ni VP and Head for Home & Micro- South Business Center G. Ferdinand O. Geluz. Ilan sandali pa ang nakalipas , ang ating Ama ng Lungsod, Atty. Rommel A. Gecolea ang nagbigay ng makabuluhang mensahe at kanyang ibinalita na sa kauna-unahang pagkakataon nagkaroon ng botika sa loob ng cityhall, ito ang Botika ng Cabuyao o BOTICAB, ang pagiging ganap na Deped Division ng ating syudad at paglahok ng mga atletang kabataan sa 2017 Regional Athletic Meet at ang pagtatala ng pinakamababang tuition fee sa buong Region IV-A na P50.00 per unit sa Pamantasan ng Cabuyao.

Dumalo rin sa programa ang mga Punong Barangay na sina Kgg. Armando Amoranto at konsehal Abet Caparas ng Brgy. Pulo, Kgg. Ariel Bariring ng Brgy. Mamatid at mga konsehal ng Brgy. Casile. Mga pinuno ng lokal na gobyerno ng Syudad ng Cabuyao na sina City Accountant Elenita Trinos, City Engineer Evelyn Hatulan, CPDC Head Gng. Deanna Ortiz, Budget Officer G. Eduardo Baron, Gng. Merlinda Villaluna-City Assessor, Dra. Elena Diamante-CHOI, Peso Manager & CCLDO Head G. Christian Benedict Bueno, City Agriculturist Gng. Luzviminda Ednalino, Architect Ronnie Tecson, Civil Security Officer Javier Maligsay, Environmental Police Head G. Erwin Buot, mga kinatawan ng Ospital ng Cabuyao at ng Human Resource Management Office (HRMO), Executive Assistant V G. Isidro Gecolea, G. Carlos Bella at mga consultant na sina G. Ruben Refrea at G. Sonny Tolentino.

(c) Javerlyn Gangawan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *