admin No Comments

kasalang_bayan_2017kasalang_bayan_2017kasalang_bayan_2017kasalang_bayan_2017kasalang_bayan_2017kasalang_bayan_2017

“Napakapalad ko salamat sa Diyos dahil ako ang magkakasal sa inyo bilang Mayor. Ang mayor ay tinatawag nating Ama ng Lungsod, ama ng isang pamilya at yan ang napakahalagang tungkulin ko. Hindi magtatagumpay ang kasal na iyan, ang pagsasamang yan kung hindi natin kasama ang Panginoong Diyos. Kung nandyadyan sa inyong buhay si Jesus Christ, kung lagi tayong nananalangin sa kanya palagay ko siguradong-sigurado ako na sya ang magpupuno sa lahat ng panahon, magtatagumpay ang inyong buhay mag-asawa, magtatagumpay ang pamilya sapagkat naandyan ang ating Panginoon.”
– City Mayor Atty. Rommel A. Gecolea

Ito ay ilan lamang sa mga sinabi ng ating pinagpipitagan at butihing Ama ng Lungsod Atty. Rommel A. Gecolea sa kanyang pagbibigay ng makabuluhang mensahe para sa 132 pares na magsing-irog sa ginanap na “KASALANG BAYAN 2017” sa Pamantasan ng Cabuyao noong ika-18 ng Marso 2017. Ito ay programa ng Pamahalaang Lungsod ng Cabuyao sa pangunguna at inisyatibo ng ating busa pakikipagtulungan ng Tanggapan ng Panlungsod na Tagatala sa pamumuno ni Gng. Marissa C. Salazar. Si Pastor Benny Batiao ang nanguna sa panalangin na sinundan ng pagbibigay ng panimulang pagbati ni G. Albert Madrigal-Exec VP, PnC at pambungad na pananalita ni Kgg. Eric Barron, Punong Barangay ng Brgy. Banay-Banay.

Ang naturang programa ay nagpatuloy sa pagpapakilala ng mga ikakasal na pinangunahan ni Gng. Marissa Salazar. Ang ating pinagpipitagang Ama ng Lungsod ang syang nanguna sa pagsasagawa ng pagdiriwang o seremonya ng kasal gayundin ang pagbibigay nya ng mahalagang mensahe.
Sa kanyang pagbibigay ng pambungad na pananalita, nagpasalamat si Prof. Albert Madrigal-Exec Vice President ng Pamantasan ng Cabuyao dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa naturang paaralan ginanap ang kasalang bayan at kanya ring ibinalita na mula sa daan-daang paaralan sa buong Pilipinas ginawaran ang Pamantasan ng Cabuyao ng CHED RECOGNITION na mula sa Commission on Higher Education.

Dumalo rin sa naturang kaganapan na nagsilbing panauhing pandangal sina Bb. Editha R. Orcilla-Assistant Statistician-CRD-PSA, Gng. Charito Armonia, Regional Director-PSA-Region IV-A-Lipa City, G. Romanie Pizaro-District Census Officer at Kgg. Imelda Entredicho.

Nagwakas ang programa sa pagbibigay ng ating mahal na alkalde ng pangwakas na mensahe at isang munting salu-salo handog ng Pamahalaang Lungsod ng Cabuyao. Sina Gng. Sarah Calandria ng CIO at Ces Batalla ng City Civil Registrar ang nagsilbing mga guro ng palatuntunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *