admin No Comments

Ang pribadong sektor at ang lokal na gobyerno ay maihahalintulad sa isang tulay na patungo sa isang direksyon sa layunin nitong mapabuti at maiangat ang pamumuhay ng bawat isang mamamayan sapagkat hindi maikakaila na sa pag-unlad ng isang lungsod katuwang natin ang mga locators, mga establisimento at mamumuhunan sa pamamagitan ng pagbabayad ng kanilang mga buwis sa real property tax at business permit na siyang ginagamit sa mga programa, pagawain at iba’t-ibang proyekto para sa ating mga kababayan. Bilang pagkilala at pasasalamat sa ating TOP 30 taxpayers ginanap ang isang piging na tinawag na “TAXPAYERS NIGHT” sa Sta. Elena Golf & Country Club noong ika-10 ng Marso ng taong kasalukuyan na may temang “REDEFINING INDUSTRY’S ROLE IN THE TRANSFORMATION OF CITY OF CABUYAO”. Ang Top 30 taxpayers for 2016 ay ang mga sumusunod:

1.Procter & Gamble Phils. Inc.
2. Nestle Philippines Inc.
3. Wyeth Philippines Inc.
4. Zuellig Pharma Corporation
5. Asia Brewery Inc.
6. James Hardie Philippines Inc.
7. Concepcion Carrier Air-Conditioning
8. Ginebra San Miguel Inc.
9. NXP Semiconductors Cabuyao Inc.
10. Concepcion Durables Inc.
11. Interbev Philippines Inc.
12.Nutri Asia Inc. / Heinz UFC
13.Advance Molding Co. Inc
14. First Sumiden Circuits Inc.
15. Interphil Laboratories
16. Extraordinary Corp.
17. Century Pacific Foods Inc.
18. Canlubang Golf & Country Club
19. Nippon Paint Phils. Inc.
20. The New Apec Dev’t Corp.
21. Wartsila Philippines
22. Pfizer Inc.
23. Ionics EMS Inc.
24. Excelitas Technologies Phils. Inc.
25. Automated Technology Phils. Inc.
26. Henkel Philippines
27. Integrated Geosolutions Inc.
28. Ohgitani Philippines
29. Gunma Gohkin Philippines Inc.
30. Roberts Automotive & Industrial Parts

Sa kanyang pagbibigay ng makabuluhang mensahe, inulat ng ating butihing Ama ng Lungsod, Atty. Rommel A. Gecolea ang ilan sa mga kaganapan sa ating siyudad katulad na lamang ng pagkakaroon ng kauna-unahang botika sa loob ng city hall na tinawag na Botika ng Cabuyao o Boticab, pagtatala ng pinakamababang tuition fee sa buong Region IV-A na P50.00 per unit sa Pamantasan ng Cabuyao, pagiging isang Deped Division ng ating syudad, ang matagumpay at aktibong pakikilahok ng lokal na pamahalaan kasama ang mga kabataang atleta ng Cabuyao sa katatapos lamang na “2017 Regional Athletic Meet” , ang maayos at mabilis na proseso ng mga kaukulang dokumento para sa business permit sa “CABUYAO ONE STRAIGHT SHOP” at ang pagkakaloob ng P.A Alvarez ng lupang pagtatayuan ng Cabuyao City Hospital at Cabuyao Investment Development Authority (CIDA) para sa mga proyektong nakalaan sa ikakaunlad at ikakaganda ng buhay ng bawat isang Cabuyeño.

Sa huli, personal na iginawad ni City Mayor, Atty. Rommel A. Gecolea at ilan sa mga pinuno ng lokal na pamahalaan ang plaque of recognition sa mga distinguished heads ng top 30 taxpayers na dumalo sa nasabing okasyon. Ang naturang pagtitipon ay dinaluhan ng mga kagalang-galang na Punong Barangay ng ating lungsod, mga pinuno ng bawat tanggapan ng lokal na gobyerno, Executive Assistant V, Gng. Jasmin Severino at G. Carlos Bella, mga PnC officials and staff sa pamumuno ni Dr. Isabel Inlayo, EVP G. Albert Madrigal, deans and faculty, PnC Board of Regents Dr. Raymond Arcega at Dr. Aser Javier, Division Superintendent Gng. Doris DJ Estalilla, OIC-CID Chief Dr. Edna Hemedez at OIC- SGOD Chief Dr. Elvira Catangay, mga consultants at mga kinatawan ng pribadong sektor. Si G. Christian Benedict Bueno-PESO Manager at Gng. Lyn Burito- Dean, College of Arts and Sciences ang nagsilbing mga guro ng programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *