admin No Comments

Nitong nakaraang Marso 16, 2017 sa ganap na ika-8:00 ng umaga naganap ang isang programa sa Lungsod ng Cabuyao bilang pagtugon sa pambansang panawagan para sa lahat na Fire Prevention Month.

Ito ay pinangunahan ng tanggapan Bureau of Fire Protection kasama ang butihing punonglungsod Atty. Rommel Gecolea kasama ang CDRRMC, Rescue 911, ABC Pres.Dennis Felipe Hain, DILG Rowena Caya, FO2 Myca Lazares, SFO2 Domingo Manuud II, Supt.Rizalde Castro, CINSP Shiela Andrade, F/Dir. Bobby Barbuelo, SFO1 Artemio Sabigan.

Ang naturang Fire Olympic ay dinaluhan ng ibat-ibang kinatawan ng Bantay Bayan at mga Fire Volunteers mula sa ibat-ibang barangay na bumubuo sa Siyudad ng Cabuyao. Pagtatagisan ng galing sa mga nakahanay na programa tulad ng Hose Laying and Replacement of Busted Hose para sa unang bahagi, ikalawa ang Bucket Relay at Flammable Liquid Fire Extinguishment at para sa ikatlong palatuntunan.

Isa rin sa nagbigay ingay sa kompetisyon ang pagpili sa mga nagga-gandahang binibini na kumatawan sa bawat delegado. Malakas na hiyawan na hudyat ng pagsisimula ng sagot sa bawat isang katanungang sumukat sa kanilang kahandaan na may temang “BUHAY AT ARI ARIAN AY PAHALAGAHAN, IBAYONG PAG-IINGAT SA SUNOG AY SA SARILING PAMAMAHAY SIMULAN” na napanalunan ni Ms.Lyca Mae Ojales ng Mamatid sa kanyang makabuluhang kasagutan.

Bago matapos ang programa, binigyan ng karangalan ng City Mayor Mel Gecolea kasama ang ABC Pres. Dennis hain ,DILG Rowena Caya at CINSP Shiela Andrade ang mga nanguna sa bawat event. Tinanghal sa unang bahagi ang Brgy. San Isidro, sa ikalawang bahagi nakuha naman ay ang Brgy.Sala at nakamit naman ng Brgy.Mamatid ang ikatlong bahagi. Pinagkalooban din ng pagkilala ang mga kinatawan ng Brgy.Mamatid bilang pinaka-organisadong grupo mula umpisa hanggang matapos ang kompetisyon at binigyan din ng pagpupugay ang pangkalahatang nanalo.

Ang Brgy. San isidro ang siyang kakatawan sa Siyudad ng Cabuyao para sa gaganaping panglalawigang kompetisyon na Urban Fire Olympic (U.F.o.) sa darating na ika-24 ng Marso, 2017 na gaganapin sa Siyudad ng Calamba.

At sa pagtatapos ng programa, nagpasalamat si ABC Pres. Dennis Felipe Hain sa lahat ng mga kapitan at sa lahat ng tumugon sa makabuluhang panawagan sa panahon at sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *