admin No Comments

Sa kauna-unahang pagkakataon ginanap ang “Color Community Run for a Cause” sa siyudad ng Cabuyao na may temang “Iba’t-Ibang Kulay sa Nagkakaisang Cabuyao” noong araw ng Linggo, ika-26 ng Pebrero 2017. Ito ay isa lamang sa flagship program ng ating butihing City Mayor, Atty. Rommel A. Gecolea. Aktibong nakilahok sa naturang aktibidad ang DepEd Division sa pamumuno ni Division Superintendent Ms. Doris DJ Estalilla, Ospital ng Cabuyao sa pangunguna ni OnC Chief Dra. Blanquita Gatmaytan, City Health Office I sa pamumuno ni Dra. Elena Diamante, City Health Office II sa pangunguna ni Dr. Cecil Arnold Aguillo, mga opisyal at mag-aaral ng Pamantasan ng Cabuyao at mga kapwa natin Cabuyeño. Binubuo ng tatlong kategorya ang naturang pagtakbo at ito ang 3K, 5K at 10K. Ganap na ika-4:00 ng umaga ng magsimulang magdatingan ang mga kalahok at bago pa man pormal na magsimula ang pagtakbo, nagkaroon ng warm up exercise na pinangunahan ni Ms. Agnes Besabe at Mr. Delson Concha. Ang gun start para sa 10K ay ika-5:30 ng umaga na may rutang simula City Hall Ground hanggang Waltermart Banlic at pabalik, 6:00 ng umaga para sa 5K run sa ruta nitong simula City Hall hanggang Brgy. Hall ng Banay-Banay at pabalik at 6:15 ng umaga para sa 3K run na may rutang City Hall Ground hanggang Nestle Philippine pabalik. Humigit kumulang sa 1300 a katao ang nakilahok sa fun run. Sa huli nakilala ang mga mananakbong pinakamabilis at pinakamaagang nakarating sa finish line. Nagwagi ang mga mananakbong sina: 10K RUN MALE: 1st Placer- Gilbert Laido 2nd Placer- Jose Jun Jamco 3rd Placer- Pedro FEMALE: 1st Placer- Luisa Paterta 2nd Placer-Lovely Gemeroy 3rd Place- Charlene Aquino 5K RUN MALE: 1st Placer- Aldrin Agyang 2nd Placer-Dominic Esguerra 3rd Placer-Jeffrey Gozo FEMALE: 1st Placer- Lany Cardova 2nd Placer- Leonalyn Raterta 3rd Placer-Sharlainne Saguid 3K RUN MALE: 1st Placer-Christian Herbito 2nd Placer-Kenneth Estrella 3rd Placer-Jaymark Devega FEMALE: 1st Placer- Esmeralda Liban 2nd Placer- El Saghir Yasmeen 3rd Placer- Concepcion Agase Ang mga nagwagi ay nagkamit ng medalya at cash prize. Sa kabilang dako, ang mga mananakbong nakatapos bago pa man sumapit ang ika-7:00 ng umaga ay nagkaroon ng pagkakataon upang mabigyan ng raffle stub at makasali sa raffle draw. Ang proceeds ng naturang programa ay mapupunta sa health and wellness program ng iba’t-ibang asosasyon ng ating komunidad. Ang PS Bank Cabuyao, Nutri-Asia, Waltermart Banlic, Powerserve Inc., Reysal Supermarket Cabuyao, Summit-Asia Brewery, Y.E.S Export, Import Corporation at Joyce & Diana Worldwide Inc ang naging kaisa natin sa programang ito. Ang aktibidad na ito ay isang magandang hakbang upang tayo ay magsama-sama at maipakita ang pagkakaisa sa ating siyudad. Gayundin ang layuning makapaglingkod sa ating kapwa at patuloy na maisulong ang kaunlaran ng ating bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *