admin No Comments

Bulwagang Pamahalaan ng Siyudad ng Cabuyao – Pinangunahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) kasama ang Bureau of Fire Protection ang flag raising ceremony ngayong araw ng Lunes, ika-27 ng Pebrero 2017. Sa ikalawang bahagi ng programa, pinangunahan nina Provincial Fire Marshall of Laguna F/Supt. Rizalde M. Castro at City Fire Marshall C/Insp. Sheila Andrade ang paggawad sa ating butihing City Mayor, Atty. Rommel A. Gecolea ng “Plaque of Recognition” sa katangi-tanging serbisyong ibinigay sa mahigpit na pagpapatupad ng RA 9514 sa pamamagitan ng Cabuyao One-Straight Shop na nagresulta ng karagdagang koleksyon sa fire code fees na may collection growth na 50.44% kumpara sa nakaraang taon na nilagdaan ni Supt. Sergio M. Soriano Jr, Regional Director. Sa huli, nagbigay ng pampasiglang bilang si Kgg. Kapitan Dominador Maniclang ng Brgy. Gulod at ang 10-70 band na binubuo nina C/Insp. Analee C. Atienza, Atty. Jesus Hinlo at S/Insp. Jeffrey Atienza, City Fire Marshall, Biñan. Si Bb. FO1 Precious V. Petalio, RN, USRN, EMT ang nagsilbing guro ng palatuntunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *