admin No Comments

 

Ang kababaihan ay larawan ng lakas at katatagan gayundin malaki ang kanilang ginagampanang tungkulin sa lipunang kanilang ginagalawan. Kaugnay nito, bumisita sa Lungsod ng Cabuyao ang mga delegado mula sa Nagoya University sa pangunguna ni Associate Professor, Mr. Kei Fukunaga ng Graduate School of International Development ukol sa kanilang “Women Leaders Program to Promote Well-Being in Asia” upang magsagawa ng research study ngayong araw ng Biyernes, ika-10 ng Pebrero 2017.
Sa kanyang pagbibigay ng mensahe, ibinalita ng masipag at butihing City Mayor, Atty. Rommel A. Gecolea ang pagpapatayo ng Cabuyao Investment Development Authority (CIDA) at Cabuyao City Hospital na kabilang sa flagship program ng ating Pamahalaang Lungsod. Gayundin, ang pagkakaroon ng botika sa loob ng city hall upang sa gayon ay mas maraming matulungan na pasyenteng nangangailangan ng libreng gamot, pagiging isang DEPED Division ng ating siyudad at ang limampung piso (Php50.00) na tuition fee sa Pamantasan ng Cabuyao na syang naitalang pinakamababa sa Region IV-A.

Kabilang sa mga nagsalita sina G. Elmer Antioquia na ipinakilala sa mga banyaga nating panauhin ang CIDA na syang tinatayang mapagkukunan ng kabuhayan at trabaho para sa mga Cabuyeño. Ang Ospital ng Cabuyao Director, Dra. Blanquita Pineda Gatmaytan na buong pusong nagpasalamat sa pagbisita ng mga delegado sa ating siyudad, Dental Health Officer Dra. Teresa David na tinalakay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang kaalaman at pangangalaga sa oral health at ang CCLDO Officer Mr. Christian Benedict Bueno na syang tumalakay sa agrikultura at pangkabuhayan ng mamamayan ng ating Lungsod.

Dumalo sa naturang kaganapan ang mga pinuno ng mga lokal na tanggapan na sina CPDC Officer- Ms. Deanna Ortiz, CSWDO Officer Ms. Evelyn Parala, CIO Head Ms. Antonette H. Aranzanso, GSO Head Mr. Cornelio Tamayo, Red Cross Cabuyao Branch Head Mr. Rudy Derez, City Veterinarian Office Head Dra. Irma Alegros, City Agriculture Head Luzvimida Ednalino, City Registrar’s Head Ms. Marissa Salazar, Budget Office Head Mr. Eduardo Baron, HR Head Mr. Rosauro Pura, City Assessor’s Head Ms. Merlinda Villaluna, City Health Office I Head Ms. Elena Diamante at Executive Assistant V Ms. Jasmin Severino.

Sa huli, ang locally produced coffee na Cafe
Cabuyao ang binigay sa mga banyagang panauhin bilang token of appreciation sa pagbisita nila sa ating lugar. Bahagi rin ng kanilang pagbisita sa ating Lungsod ang pagpunta sa Pamantasan ng Cabuyao upang makipagkita sa mga PnC officials at faculty members.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *