admin No Comments

Dalawamput lima (25) Sri Lankans at dalawang (2) Thai nationals ang bumisita sa Lungsod ng Cabuyao kaugnay ng kanilang “International Training and Study Program on Preventive Medicine and Health Services Management” noong araw ng Miyerkules, ika-1 ng Pebrero 2017 sa Tanggapan ng Punong Lungsod. Malugod silang sinalubong ng mga pinuno at kawani ng iba’t-ibang lokal na gobyerno para sa courtesy call sa ating butihing City Mayor, Atty. Rommel A. Gecolea.

Buong giliw na sinimulan ni G. Christian Benedict Bueno ang pagpapakilala ng mga delegado na pawang mga medical practitioner mula sa Sri Lanka at Thailand na sinundan ng pagbibigay ng maikling mensahe ng Chief of Hospital ng Ospital ng Cabuyao, Dra. Blanquita Gatmaytan.

Sa pagpapatuloy ng programa, nagbigay ng makabuluhang mensahe ang ating masipag na City Mayor, Atty. Rommel A. Gecolea. Sinabi nya na kasama ang taong bayan at mamamayan sa isang mabuting pamamahala. Kanya ring ibinalita sa mga dayuhang panauhin ang bagong itatayong Cabuyao City Hospital na isang 2nd level hospital na tutugon sa pangangailangan ng marami nating kababayan sa usaping pangkalusugan at tulong medikal.

Tanda ng taos pusong pasasalamat sa pagbisita sa ating siyudad, ang Pamahalaang Lungsod ay naghandog ng munting regalo, ang Cafe Cabuyao na maipagmamalaking produktong Cabuyeño.

“The purpose of our visit here is because it is a part of our health studies and to see right before our eyes the real community and life of Filipinos moreover to learn some academic approach regarding health management services.” ani ni Dr. DSA Jayasinghe, Provincial Ministry of Health of North Central Province Regional Officer.

Bumisita rin sila sa Ospital ng Cabuyao bilang bahagi ng kanilang training at study program sa larangan ng medisina at kalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *