admin No Comments

 

Ginanap ang kauna-unahang assembly ng People’s Law Enforcement Board Association of Laguna (PLEBAL) sa pangunguna ng bagong Pangulo para sa termino ng 2017-2019, Rev. Fr. Rene Eriga ng City of Cabuyao PLEB ng nakaraang Biyernes, ika-27 ng Enero sa Ding Hao Restaurant, City of Calamba.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng malugod na pangungusap ni Gng. Pinky Panganiban, Executive Assistant ng tanggapan ng Punong Lungsod ng City of Calamba na kung saan ay binigyang pagkilala si Fr. Rene Eriga bilang bagong Pangulo ng PLEBAL. Binigyang pagkilala si Fr. Rene Eriga bilang founder ng Task Force Bagsakan ng Calamba na nag-ge-generate ng 18 million a year; Siya rin ang nag-ayos ng Mercado de Calamba na kumita from 132,000 a month to 1.3 to 1.5 million a month; Siya rin ang Chairman ng Trapiko kung saan nawala ang mga kotong at naibsan ang trapik sa Calamba at ang panghuli ay nanguna sa “Task Force Basura.”

Isa-isa ring kinilala ang mga nakaraang pangulo ng PLEBAL at ang sinundang pangulo sa katauhan ng ating butihing Punong Lungsod, Kgg. Atty. Rommel A. Gecolea.

Nagbigay din ng makabuluhang mensahe ang. Punong lungsod ng Calamba, Kgg. Timmy Chipeco, malugod niyang ibinalita ang proyektong hiniling niya kay Kgg. Mark Villar na bypass road (interchange) sa Los Baños tungong Bay, Laguna na dadaan sa lawa ng Laguna. Ito ay tatlong (3) bilyon hanggang limang bilyong (5) proyekto na phase by phase gagawin. Layunin nito ang simula ng development sa ikatlo at ikaapat na distrito ng Laguna, na kung saan ay makakatulong na maibsan ang trapiko sa mga nasabing lugar.

Isa sa highlights ng programa ang pagdalo ng masipag na Punong Lungsod ng Cabuyao, Kgg. Atty. Rommel Gecolea, na nag-ulat ng mga kasalukuyang programa at proyekto ng siyudad ng Cabuyao katulad ng pakikipanayam at pag-aayos ng proyektong Cab Star Asia Friendship Exit sa parte ng Sta. Rosa at Cabuyao bilang alternatibong daan na makakatulong para sa pag-enganyo ng mga investors at mabawasan ang trapiko sa lungsod. Isa pa ring access road na kanyang bibigyang pansin at aayusin ay ang daan sa Silangan Exit. Nakipag-ugnayan rin siya na magkaroon ng Hall of Justice sa ating lungsod upang mapabilis ang mga pagresolba sa mga kaso ng ating mga kababayang Cabuyenos na sa ngayon ay inaabot ng anim na buwan bago magkaroon ng hearing o pag-usad sa kanilang mga kaso. Binati rin ng Punong Lungsod ang bagong pangulo na si Fr. Rene Eriga na kung saan ang tawagan nila ay Father Brother. Naniniwala siya na ang PLEB ang pinakamahusay na tagapag-ayos ng peace and order sa isang komunidad. Ayon sa kanya, “Ang susi ng Kaunlaran ay ang pagsasama-sama at pagpapalakas ng Social capital ng isang lungsod.”

Namahagi ang bagong Pangulo ng PLEBAL,Rev. Fr. Rene Eriga sa lahat ng PLEB ng iba’ ibang bayan at lungsod ng kanilang gabay para sa daloy ng PLEB na complete set ng kung papaano ang pagsisimula ng kaso hanggang sa paggawa ng desisyon mula sa appreciation ng evidence, stenographic notes at iba pang report forms na ginagamit sa PLEB, aside sa PLEB Manual na authored ni Atty. Oliva.

Naging Keynote Speaker at facilitator sa open forum naman sa procedures ng PLEB si Atty. Federico Bellosillo ng Siniloan, Vice President – External ng PLEBAL.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *