admin No Comments

Hudyat, bago mag ika-8:00 ng umaga, araw ng Lunes, Enero 23, 2017 ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas ay pormal na sinimulan sa Bulwagang Pamahalaan ng Siyudad ng Cabuyao na pinangunahan ng Tanggapan ng Ikalawang Punonglungsod. Buong pagmamalaki na pinangunahan ng ating DILG Director Gng. Rowena G. Caya ang paggawad ng sertipiko ng pagkilala mula kay DILG Secretary D. Sueno ay sumisimbolo sa dedikasyon ng ating Pamahalaang Lungsod tungo sa mabuti at maayos na pamamahala sa pagpasa ng tatlo sa anim na Local Governance Assessment Areas ng taong 2016 tulad ng Financial Administration, Peace and Order at Environmental Management na iginawad at tinanggap ng ating butihing City Mayor, Atty. Rommel A. Gecolea kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kgg. Wanda Alimagno at Kgg. Ernani Himpisao.

Sa kabilang dako, binigyang pagkilala din ang mga nagwagi sa katatapos lamang na Mr. and Ms. Cabuyao 2017 na sina Mr. Robertson Calderon-Mr. Cabuyao 2017, Mr. Kenneth Estrada-Mr. Cabuyao 2017, 2nd Runner-Up, Ms. Millicent Bungcasan- Ms. Cabuyao 2017, Ms. Cristelle Diarios-Ms. Cabuyao 2017, 2nd Runner-Up at Ms. Pauline Quijano- Ms. Cabuyao 2017, 3rd Runner-Up na may temang “Beauty and Entrepreneurship”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *