admin No Comments

Matagumpay na naidaos ang groundbreaking ceremony at thanksgiving mass noong araw ng Lunes, ika-16 ng Enero 2017 kaugnay ng itatayong bagong gusali ng Ospital ng Cabuyao.

Nagbigay ng makabuluhang mensahe ang ating butihing City Mayor Atty Rommel A. Gecolea na sinundan naman ng pagbibigay ng maikling mensahe ng mga miyembro ng Sanggunian Panlungsod na sina Kgg. Atty. Leif Opiña, Kgg. Wanda Alimagno, Kgg. Tutti Caringal, Kgg. Imelda Entredicho, Kgg. Kim Hain, Kgg. Jimbo Alcabasa, Kgg. Amelito Alimagno at Kgg. Ernani Himpisao.

Dumalo rin sa naturang programa ang mga miyembro ng Board of Trustees ng Ospital ng Cabuyao na sina Dr. Benedict Anatalio, Dra. Blanquita Gatmaytan, Dr. Noel Antiporta mga pinuno ng lokal na tanggapan ng pamahalaan na sina Gng. Antonette Aranzanso ng City Information Office, Gng. Dianne Ortiz ng City Planning and Development Council, Gng. Luzviminda Ednalino ng City Agriculture, Gng. Marissa Salazar ng City Civil Registrar, Engr. Evelyn Hatulan ng City Engineering Office, Gng. Rowena G. Caya ng Department of Interior and Local Government (DILG), Gng. Jasmin Severino-Executive Assistant V, G. Caloy Bella- Executive Assistant V, G. Isidro Gecolea-Executive Assistant V, Ospital ng Cabuyao staff, Dr. Isabel Inlayo-PNC President, PNC Deans and Faculty, School Heads sa pamumuno ni Schools Division Superintendent Doris DJ Estalilla, Elvira Catangay- SGOD Chief, Dr. Edna Hemedez-CID-OIC, mga kapitan ng iba’t-ibang barangay, mga kinatawan ng P.A Alvarez Properties sa pangunguna ni G. Peter Alvarez A at iba pang natatanging panauhin.

Ang itatayong bagong Cabuyao City Hospital ay isa sa flagship program ng ating butihing Punong Lungsod, Atty. Rommel A. Gecolea na ang tanging inisip ay kapakanan, kabutihan, dignidad at karangalan ng bawat isang Cabuyeño para sa isang matuwid at makadiyos na paglilingkuran. Gayundin ito ay ang araw ng pagdiriwang ng tagumpay dahil katuwang ang Sanggunian at ang P. A Properties. Panalo ang tao, ang mahirap ay may pag-asa hindi na sila maghihintay na gumaling o mamatay ng walang kalaban-laban”, tinuran ni Rev. Fr. Rene Iriga sa kanyang homilya. Katuwang ang Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni City Vice- Mayor Jose Benson Aguillo at mga konsehal. Ito ay sa hangaring makapagbigay ng karapat-dapat at tamang serbisyo publiko sa ating mga kababayang nangangailangan ng atensyon at tulong medikal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *