admin 3 Comments

One-Straight-Shop 2017

Sa pagpapatuloy ng pagbibigay serbisyo publikong tapat at karapat-dapat para sa bawat isang Cabuyeño pormal ng binuksan ang “CABUYAO ONE STRAIGHT SHOP” noong araw ng Martes ika-3 ng Enero 2017 sa City Hall Ground. Ito ay ang pagsasama-sama sa iisang lugar ng mga departamentong nangangasiwa sa pag-aapply at pagrerenew ng “BUSINESS PERMIT” upang sa gayon ay mas mapadali ang pagsasaayos ng mga kaukulang papeles gayundin sa layuning mas maging epektibo ang proseso ng naturang aplikasyon. Ang programang ito ay sa pangunguna ng ating mahal na City Mayor, Atty. Rommel A. Gecolea kasama ang buong Sangguniang Panlungsod katuwang ang tanggapan at mga kawani ng lokal na gobyerno gaya ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa pamumuno ni G. Ruben Refrea, Assessor Office sa pamumuno ni Gng. Merlinda Villaluna, City Planning and Development Council sa pamumuno ni Gng. Deanna Ortiz, Treasury Office sa pamumuno ni Gng. Jovita Bienes, City Information Office sa pamumuno ni Gng. Antonette Aranzanso, Engineering Office sa pamumuno ni Engr. Evelyn Hatulan, City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa pamumuno ni Engr. Manolo Punongbayan, City Health Office I sa pamumuno ni Dra. Elena Diamante & City Health Office II sa pamumuno ni Dr. Cecil Arnold Aguillo at Bureau of Fire (BFP) sa pamumuno ni Fire Chief Inspector Ms. Sheila Andrade. Ang naturang one straight shop ay bukas hanggang ika-20 ng Enero 2017.

— 3 Comments —

  1. Dear Cabuyaho City Hall,

    May I humbly inquire about the schedule for the processing of business permits for a new business (single proprietor), the necessary requirements and fees.

    Appreciate your earnest reply.

    With best regards,
    David Mencias
    Mamatid Cabuyao

  2. To The Cabuyao One-Straight-Shop Team

    Very very very fast, prompt, transparent and hassle-free service in Permits Renewal for 2017!
    Processors are so courteous and accommodating!

    Thanks also for the light snacks!

    KEEP IT UP and MORE POWER TO ALL OF YOU!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *