admin No Comments

Sa kauna-unahang pagkakataon ginanap ang #CabuyaoLiveTeleconference na naglalayong iparating sa mamamayan ng Lungsod ng Cabuyao ang mga programang nagawa at gagawin ng Pamahalaang Lungsod natutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan sa pangunguna ng ating mahal na Mayor Atty. Rommel A. Gecolea at ng buong Sangguniang Panlungsod.
Ito ay ginanap noong araw ng Miyerkules, ika-23 ng Nobyembre 2016 sa ganap na ika-3:00 ng hapon sa Tanggapan ng Punong Lungsod. Kaugnay ng conference na ito ay ang aktibong partisipasyon ng bawat isang Cabuyeños sa pamamagitan ng social media gaya ng facebook. Ang kanilang katanungan patungkol sa mga programa ng lokal nagobyerno ay binigyang pansin at kasagutan nina City Mayor Atty. Rommel A. Gecolea, Exec. Vice President for Academic Affairs, Prof. Albert Madrigal, District Supervisor Dr. Edna Hemedez at Christian Benedict Buenong Public Employment and Service Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *