admin No Comments

“Dapat galit tayo sa droga dahil ito ang sisira sa maganda nating kinabukasan. Hindi ko kayo pababayaan dahil tungkulin ko ang maglingkod sa inyo. Walang maiiwan sa pag-unlad ng Cabuyao.”

-City Mayor Atty. Rommel A. Gecolea

Ito ang makabuluhang mensahe ng butihing Ama ng Lungsod ng Cabuyao, Atty. Rommel A. Gecolea sa mga PTA Officers, mga magulang at mga mag-aaral mula Grade V-VI ng mababang paaralan ng Brgy. San Isidro noong araw ng Biyernes ika-25 ng Nobyembre ng taong kasalukuyan.

Sabi nga ng ating Pambansang Bayani Dr. Jose Rizal “ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN” at ang maagang paghubog sa kanilang asal at pagkatao ay nagsisimula sa kanilang tahanan at pamilya at malaking bahagi nito ang pag-gabay ng mga magulang sa kanilang mga anak. At sa layuning mamulat ang mga kabataan at mabigyan ng sapat na kaalaman ginanap ang isang pantas-aral kaugnay sa kampanya kontra illegal na droga na pinangunahan ni P/Supt. Fernando Ortega, Chief of Police, Kgg. Emerson Devoma, Dr. Jose Charlie Aloquin, Principal ng San Isidro Elementary School.

Ang ating mahal na City Mayor Atty. Rommel A. Gecolea at ang buong Sangguniang Panlungsod ay katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa ating Lungsod kung kaya’t buo ang kanilang suporta sa mga usapin kontra illegal na droga.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *