admin No Comments

“Pareho kaming nakafocus sa edukasyon. Ang pagkatao ng namumuno mahalaga ang prinsipyo at integridad at lahat ng bagay pwede makalimutan pero ang mahusay at mabuting nagawa sa kapwa hindi yan mawawala.”
-City Mayor Atty. Rommel A. Gecolea

Ito ang mensahe ng butihing Punong Lungsod Atty. Rommel A. Gecolea ngayong araw ng Biyernes, Nobyembre 4, 2016 sa luksang parangal kay yumaong Kgg. Jose “Tikboy” M. Laviña na nanungkulan bilang Konsehal sa Lungsod ng Cabuyao taong 1992-1998 at 2001-2010 kaugnay sa pagkilala sa katangi-tangi nitong paglilingkuran at pagbibigay serbisyo publiko. Ganap na ika-1:00 ng hapon ng ihatid sa bulwagang pulungan ng Sangguniang Panlungsod ang labi ng dating konsehal. Isang pagbabalik tanaw at pananalita ang ibinigay ng mga kaibigan at pamilya gayundin ang mga miyembro ng Sanggunian Panlungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *