admin No Comments

Oktubre 27, 2016, araw ng Huwebes, naganap ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyales ng Homeowner’s Association tulad ng Birmingham Village Homeowners Association ng Barangay Pulo na may labing-siyam (19) na miyembro sa pamumuno ni Gng. Elvira Buyagon. Lakesidenest Homeowners Association Inc. Ph3 ng Barangay Banay-Banay na binubuo ng dalawampu’t-siyam (29) na miyembro sa pamumuno ni G. Norberto Tesoro at St. Joseph Village 7 Ph5 Homeowners Association ng Barangay Gulod na binubuo ng walong (8) miyembro sa pangunguna ni G. Reggie Guy Fuentes. Ang mga bagong halal na opisyales ng Homeowner’s Association ay nanumpa na maglilingkod sa kapwa Cabuyeño at sa bayan. Ang mahalagang pangayayaring ito ay pinangunahan ng Ama ng Cabuyao, Kgg. Atty. Rommel A. Gecolea, Pangalawang Punong Panlunsod Kgg. Jose Benson Aguillo, Kgg. Imelda Entredicho at Punong Barangay ng Pulo Kgg. Armando Amoranto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *