admin No Comments

Isinagawa ang pagpupulong ng Sanggunian sa Kapayapaan at Kaayusan ng Lungsod ng Cabuyao ngayong ika-25 ng Oktubre, 2016 sa ganap na ika-2:00 ng hapon sa Mayor’s Office. Namuno sa pulong ang Punong Lungsod, Kgg. Atty. Rommel A. Gecolea kaagapay ang Pangalawang Punong Lungsod Kgg. Jose Benson Aguillo kasama ang mga miyembro ng lupon at mga pinagpipitagang pinuno ng tanggapan ng Pamahalaan Lungsod ng Cabuyao na buong pusong makikipagtulungan para maiayos ang mga napagtalakayang gawain. Tinalakay sa pagpupulong ang mga suliranin sa droga, trapiko, paghahanda sa darating na Undas, rehabilitation para sa mga surrenderees ng ilegal na droga , pagsasaayos ng City Jail at Police Station, at marami pang mga importanteng mga usapin para sa pagpapatibay ng kapayapaan at kaayusan sa Lungsod ng Cabuyao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *