admin No Comments

“Napakahalaga ng pagkakaisa, siguro yun po ang lakas natin ngayon dito sa Cabuyao, sa pagkakaisa ipinasa ng Sangguniang Panlungsod, si Vice Sonny po ang nagpasa yung pag increase ng budget ng Pamantasan ng Cabuyao, 12%, 45 million po yun magandang balita sa pagkakaisang yann, above passing percentage ang dami pong nakapasa sa Cabuyao, CPA, Engineer at mga teacher. Mataas po tayo sa National Passing Percentage, yung budget na yan subsidy sa estudyante, libreng review, dalawa ang nagtopnotcher yung isa number 11 at yung number 12, Psychometrician at Engineer, sa pagkakaisa katulong po natin ang Cabuyao Jesus Movement, sila po ngayon ay nagseserve hindi lang pag flag ceremony kasama rin po natin sila dito sa Ospital ng Cabuyao, sa pagtulong-tulong nandyan po ang Rotary Club of Cabuyao, konti na lang mawawala na yang polio na yan. Walang hindi kasama sa Sanggunian ngayon, Vice Mayor, lahat ng konsehal at Mayor, walang dinadalang pangalan kundi Lungsod ng Cabuyao. Lahat tayo’y magtatagumpay, tayo’y nagkakaisa, tayo’y pagpapalain ng Amang nasa itaas basta ang pagkakaisa at paglilingkod ialay natin sa kanya.”

Ito ang mensahe ni butihing City Mayor Atty.Rommel A. Gecolea sa mga pinuno at kawani ng pamahalaang lokal sa pagtataas ng watawat noong araw ng Lunes, ika-24 ng Oktubre sa City Hall Grounds.

Pinangunahan din ng mahal na Punong Lungsod ang pamamahagi ng libreng salamin sa mata sa mga pasyenteng nagpalista sa “Yes to Service Program” sa Brgy. Banlic at Bigaa.

Nagsalita rin si Gng. Merlina Natividad ng CCLDO kaugnay sa Buwan ng Kooperatiba na may temang “Cooperative Catalyst for Change to Poverty Eradication and Social Transformation”. Ang City Cooperative and Livelihood Development Office ay magkakaroon ng Cooperative Bingo sa Oktubre 25, Mandatory Training ng lahat ng opisyales at kasapi ng Cabuyao Primary Cooperative sa pangunguna ng Cooperative Union of Laguna na gaganapin sa Pamantasan ng Cabuyao sa Oktubre 26, Cooperative Aero Zumba sa Oktubre 27 sa City Hall Grounds at Cooperative Tree Planting.

Si G. Simon Baterina ng Rotary Club of Cabuyao ay nagbigay rin ng maikling mensahe ukol sa kanilang kampanya laban sa sa polio o ang “End Polio Campaign”.

Sa kabilang dako, inanunsyo ni G. Alvin Abastillas, Jail Chief Inspector ng BJMP ang “National Correctional Consciousness Week” na may temang “Husay at Propesyonalismo Tumutugon sa Hamon ng Pagbabago”.

Tayo po’y magsama-sama sa magandang adhikain ng pamahalaang lokal, magtulong-tulong tayo para mga programa, sama-sama at tulong-tulong para sa isang mabuting “Yes to Mel”, ito ang turan ni City Vice-Mayor Sonny Aguillo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *