admin No Comments

Sa mithiin ng butihing gobernador ng lalawigan ng Laguna na si Kgg. Ramil Hernandez kasama ang kanyang maybahay at Bokal na si Kgg. Ruth Mariano Hernandez na mabigyan proteksyon ang ating mga kababayan laban sa lamok na may dalang dengue personal nilang pinangunahan ang pamamahagi ng humigit kumulang sa anim na raan (600) mosquito nets sa mga pamilyang may kaso ng dengue simula Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan. Ito ay ginanap ngayong araw ng Huwebes, Oktubre 6, 2016 sa City Hall Grounds.

Kasama rin sa pamimigay ng libreng kulambo sina City Mayor Atty. Rommel A. Gecolea at Kgg. Kagawad Imelda Entredicho at Provincial and City Information Staff ng Lungsod ng Cabuyao. Ibinalita rin ng gobernador na kanyang ilalapit ang kapitolyo sa mga mamamayan kung kaya’t ang kanyang programang Serbisyong Pagkalusugan ay mas madali ng magagamit ng mga taong nangangailangan. Una na rito ang pagbubukas ng dialysis center sa JP Rizal Hospital na may sampung makina at wala ng babayaran gastusin kung may philhealth ang pasyente. Ikalawa ang paglalagay ng blood bank sa nasabing ospital at paglalaan ng 24M pondo para sa intensive care unit section. Ikatlo, ang pagkakaroon ng opisina ng mahal na Punong Panlalawigan sa Hectan Bldg. Calamba at pagkakaroon ng People’s Day tuwing araw ng Huwebes ng sa gayon ay agarang matugunan ang pangangailangan gayundin ang matulungan ang bawat isang Lagunense kaugnay ng paghingi ng tulong medikal man o pinansyal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *