admin No Comments

Buong pagmamalaking pinangunahan ni butihing City Mayor Atty. Rommel A. Gecolea ang pagbibigay parangal at pagkilala sa isa na namang natatanging Cabuyeño na si Dr. Kevin Ano Elomina sa angkin nitong galing sa pagiging Top 7 sa nagdaang Physician Licensure Examination at sa pagtataas ng watawat ng mga pinuno at kawani ng tanggapan ng pamahalaang lokal ngayong araw ng Lunes, Oktubre 3, 2016 sa city hall grounds ng Lungsod ng Cabuyao ay binigyan ng Certificate of Excellence ang nasabi nating kababayan bilang pagkilala sa kanyang kahusayan.

Sa kabilang dako, inanunsyo ni P S/Insp. Angel Pineda ng Philippine National Police ang pagkakaroon ng Laguna Police Provincial Office ng duplication ng Programang Bato Hotline at ito ay ang “IBATO MO, TXT MO” na 24/7 text hotline kung saan maaring agarang ipaalam ang ating citizen’s complaint at mga pangyayaring kailangan ng emergency assistance upang mabigyan agad ng kaukulang aksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *